Ipinadala sa unang araw ng Enero, 2020, ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, ang mensaheng pambati kina Raúl Modesto Castro Ruz, First Secretary of the Communist Party of Cuba, at Miguel Díaz-Canel Bermúdez, Pangulo ng Cuba, kaugnay ng pagdiriwang ng Ika-62 Anibersaryo ng Rebolusyon ng Cuba.
Tinukoy ni Xi na nitong 62 taong nakalipas, buong tatag na napapangalagaan ng mga mamamayan ng Cuba ang bunga ng rebolusyon, at pinapasulong ang pagtatatag ng bansa kung saan natamo ang kahanga-hangang bunga.
Binigyan-diin ni Xi na ang Tsina at Cuba ay matalik na magkaibigan. Magkasamang nilabanan ng dalawang bansa ang pandemiya ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) sa taong 2020, sinusuportahan at nagtutulungan ang isa’t isa. Lubos na pinahahalagahan ng Tsina ang pag-unlad ng relasyon ng dalawang panig, at nakahandang magsisikap, kasama ng mga lider ng Cuba, para pasulungin ang walang humpay na pagtatamo ng bagong bunga ng magandang relasyon ng Tsina at Cuba.
Salin:Sarah