Idinaos Disyembre 30, 2020, ang video conference na nilahukan nina Pangulong Xi Jinping ng Tsina, Chancellor Angela Merkel ng Alemanya, Pangulong Emmanuel Macron ng Pransya, Presidente Charles Michel ng European Council, at Presidente Ursula von der Leyen ng European Commission.
Magkakasamang isinapubliko nila ang kasunduang pampamumuhunan ng Tsina at Europa na nabuo sa takdang panahon.
Hinggil dito, kinapanayam ng China Media Group (CMG) si Margit Molnar, Head of the China Desk ng Economics Department ng Organization for Economic Co-operation and Development (OECD).
Ipinahayag ni Margit na nitong ilang taong nakalipas, ang Tsina ay nagiging mahalagang mamumuhunan. Sa background na ito, ang paglalagda ng Tsina at EU ng kasunduang pampamumuhunan ay kapaki-pakinabang sa dalawang panig.
Sa palagay niya, ang pagtatapos ng kasunduang pampamumuhunan ay magandang modelo ng patakaran ng Tsina ng pagbubukas sa labas sa mataas na lebel. Ito ay magdudulot ng benepisyo hindi lamang sa Tsina at EU, kundi rin sa buong daigdig, partikular na, sa pagbagon ng kabuhayang pandaigdig pagkatapos ng pandemiya ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19).
Salin:Sarah