Mahigpit na sinusubaybayan ng Tsina ang kalagayan ng paglalayag ng barkong pandigma ng Amerika sa Taiwan Straits.
Ipinahayag ito Disyembre, 31, 2020, sa preskon, ni Wang Wenbin, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina.
Dumaan sa Taiwan Straits noong umaga ng Disyembre 31, 2020, ang barkong pandigma ng tropang Amerikano, at ito ay ika-13 beses ng paglalayag ng barkong pandigma ng tropang Amerika sa Taiwan Straits sa taong 2020.
Ang aksyon ng Amerika ay grabeng nakapinsala ng kapayapaan at katagan ng rehiyon ng Taiwan Straits, at buong tatag na tinututulan ito ng Tsina. Matatag na pangangalagaan ng Tsina ang soberanya ng bansa at kabuuan ng teritoryo, saad ni Wang.
Salin:Sarah