Letter of Intent ng Mutuwal na Kooperasyon sa bakuna ng COVID-19 ng Tsina at Ehipto, nilagdaan

2021-01-01 11:41:39  CMG
Share with:

Nilagdaan Disyembre 30, 2020, ng Tsina at Ehipto ang Letter of Intent ng Mutuwal na Kooperasyon ng bakuna laban sa Corona Virus Disease 2019 (COVID-19).

 

Letter of Intent ng Mutuwal na Kooperasyon sa bakuna ng COVID-19 ng Tsina at Ehipto, nilagdaan_fororder_ehipto

Nilagdaan nina Liao Liqiang, Embahador na Tsino sa Ehipto, sa ngalan ng Pambansang Komisyon ng Kalusugan ng Tsina, ang Letter of Intent, kasama ni Mohamed Hassani, Assistant Minister of Health and Population for Public Health Initiatives.

 

Ipinahayag ni Hala Zayed, Minister of Health and Population ng Ehipto, na mapagkaibigan ang relasyon ng Tsina at Ehipto, at walang humpay na pinapalawak ang kooperasyon ng dalawang bansa sa iba’t ibang larangan, partikular na, sa larangan ng kalusugan. Mataas na pinahahalagahan at taos pusong pinasasalamatan ng Ehipto ang suporta at tulong na ipinagkaloob ng Tsina sa Ehipto sa paglaban sa COVID-19.

 

Tinukoy ni Liao na, walang hanggahan ang virus. May karapatan ang bawat tao na makakuha ng bakuna at gamot. Lubos na pinahahalagahan ng pamahalaang Tsino ang kaligtasan at pagiging mabisa ng bakuna. Ang paglalagda ng Letter of Intent ay mainam na pagpapaliwanag ng magkakasamang pagkakatatag ng Tsina at Ehipto ng pinagbabahaginang kinabukasan ng kalusugan.

 

Salin:Sarah

Please select the login method