Sa mga liham na ipinadala kamakailan nina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangulong Alberto Fernández ng Argentina sa isa’t isa, nagpalita sila ng palagay hinggil sa lalo pang pagpapalalim ng relasyon ng dalawang bansa, paglaban sa pandemiya ng Corona Virus Disease (2019) at iba pa.
Binigyan-diin ni Xi na lubos na pinahahalagahan ng Tsina ang pag-unlad ng relasyon ng Tsina sa Argentina.
Magsisikap aniya ang Tsina, kasama ng Argentina, para pasulungin ang kooperasyon tungo sa pagtatatag ng “Belt and Road (BR),” at pagtatayo ng pinagbabahaginang kapalaran ng buong sangkatauhan.
Ipinahayag naman ni Alberto Fernández, na mataas niyang pinahahalagahan ang relasyon ng dalawang bansa, at bungang natamo ng Tsina sa paglaban sa Corona Virus Disease 2019 (COVID-19).
Pinasalamatan din niya ang suporta ng Tsina sa Argentina sa paglaban sa pandemiya.
Aniya pa, nakahanda ang Argentina na lalo pang palakasin ang pakikipagkooperasyon sa Tsina sa larangan ng bakuna at iba pa para pasulungin ang mas malaking pag-unlad ng komprehensibong estratehikong partnership ng dalawang bansa.
Salin:Sarah