Sinimulan Enero 4, 2021, ni Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina, ang opisyal na pagdalaw sa limang bansa ng Aprika na kinabibilangan ng Nigeria, Congo (Kinshasa), Botswana, Tanzania at Seychelles.
Ang kontinente ng Aprika ay unang destinasyon ng pagdalaw ng Ministrong Panlabas ng Tsina sa bagong taon nitong nakaraang 31 taong sapul noong 1991.
Ipinahayag nang araw rin iyon ni Hua Chunying, Tagapagsalita ng Minsitring Panlabas ng Tsina, na ito ay lubos na nagpapakita ng espesyal na relasyon ng Tsina at Aprika ng pagkakaibigan sa hene-henerasyon.
Ang pagpapaunlad ng mapagkaibigang relasyong pangkooperasyon ay palagiang pundamental na patakaran at matatag na estratehiya sa patakarang diplomatiko ng Tsina, saad ni Hua.
Salin:Sarah