Sa harap ng pandemiya ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19), ang di-pagkilos at di-pagpapahalaga sa buhay ng mga mamamayan ay tunay na kalupitan at di-paggalang sa karapatang pantao.
Ipinahayag ito Enero 4, 2021, ni Hua Chunying, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, bilang tugon sa pahayag na ipinalabas ni Kalihim ng Estado Mike Pompeo ng Amerika na nagsasabing pinipigilan ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) ang 12 taga-Hong Kong na ilegal na lumabas ng bansa.
Hinimok ng Tsina ang Amerika na itigil ang paninirang-puri sa Tsina sa katwiran ng Hong Kong, at itigil ang pakiki-alam sa soberanyang hudisyal ng Tsina.
Salin:Sarah