Tsina: Lubos na pinapahalagahan ang bisa at kaligtasan ng bakuna kontra COVID-19

2021-01-05 16:54:08  CMG
Share with:

 

 

Ipinahayag Enero 4, 2021, sa Beijing, ni Hua Chunying, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na sa mula’t mula pa’y, pinapahalagahan ng Tsina ang bisa at kaligtasan ng bakuna kontra sa Corona Virus Disease 2019 (COVID-19).

 

Nakahanda ang Tsina na patuloy na magsikap, kasama ng iba’t ibang bansa ng daigdig, para pasulungin ang pantay-pantay na pagbabahagi ng bakuna, at tulungan ang buong mundo sa paglaban sa COVID-19, saad ni Hua.

 

Ipinatalastas Enero 3, 2021, ng Indonesya na gagamitin sa 34 na lalawigan ng bansa ang bakuna ng Sinovac Biotech Ltd. Co ng Tsina.

 

Ipinahayag din ng Ministro ng Kalusugan ng Ehipto na nilagdaan ng Ehipto at Sinopharm ng Tsina ang kontrata ng pagbili ng bakuna, at nakuha na nito ang pangkagipitang pahintulot ng pamahalaan ng Ehipto.

 

Ipinahayag ni Hua na bukas ang pakikitungo ng Tsina sa pandaigdigang kooperasyon ng bakuna. Aktibong sinusuportahan ang mga kompanyang Tsino at dayuhan na isagawa ang kooperasyon sa pananaliksik at pagpoprodyus ng bakuna.

 

Sa kasalukuyan, maalwang isinasagawa ang phase III clinical trials ng mga bakuna ng Tsina sa labas ng bansa, diin ni Hua.

 

Salin:Sarah

Please select the login method