Inaasahan ng Tsina ang pagsunod ng Amerika sa daloy ng panahon, pakikinggan ang tinig ng komunidad ng daigdig, makikipagkooperasyon sa Tsina at kokontrolin ang mga pagkakaiba, para pasulungin ang relasyong Sino-Amerikano na bumalik sa normal na landas sa lalong madaling panahon.
Ipinahayag ito Enero 5, 2021, ni Hua Chunying, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, bilang tugon sa pananalita ni Jake Sullivan, itinalagang National Security Adviser ng administrasyon ni President-elect Joe Biden.
Sinabi ni Sullivan sa panayam na kapag nagsimula ang panunungkulan bilang Pangulo ng Amerika ni Joe Biden, ang Tsina ay maaaring ituring na kakompetensiya ng Amerika, pero mapapanatili ang pakikipagkooperasyon ng Amerika sa Tsina sa ilang larangang angkop sa kapakanan ng Amerika na tulad ng pagbabago ng klima at iba pa.
Ipinahayag ni Hua na tulad ng madalas na pagpapahayag ni Wang Yi, Kasangguni ng Konseho ng Estado ng Tsina, na ang relasyong Sino-Amerikano ay nasa bagong crossroad, ngunit sa kabila nito, mayroon itong bagong bintana ng pag-asa.
Salin:Sarah