Bilang tugon sa pagbatikos ng ilang opisyal ng Amerika sa isyu ng karapatang pantao ng Tsina, ipinahayag Enero 6, 2021, ni Hua Chunying, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina na ang karapatan sa buhay ay ang pinakamahalagang karapatang pantao.
Sa background ng pagkalat ng pandemiya ng Corona Virus Disease 2019(COVID-19), ang kalusugan at kaligtasan ay pinakamataas na karapatang pantao, diin niya.
Tinukoy ni Hua na sa kasalukuyan, mahigit 20 milyon ang bilang ng mga naitalang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Amerika, at mahigit 350 libo ang bilang ng mga pumanaw.
Dapat aniyang pag-ukulan muna ng pansin ng naturang mga opisyal Amerikano ang pagkontrol sa pandemiya sa loob ng kanilang bansa at pangalagaan ang kaligtasan at kalusuguan ng kanilang mga mamamayan bago paki-alamanan ang usapin sa Tsina.
Salin:Sarah