Ayon sa datos na inilabas ngayong araw, Enero 11, 2021, ng National Bureau of Statistics (NBS) ng Tsina, tumaas ng 2.5% ang Consumer Price Index (CPI) ng Tsina noong 2020.
Ayon pa sa NBS, ang pigurang ito ay nasa loob ng target ng bansa na 3.5%.
Kaugnay nito, ipinahayag ni Yao Jingyuan, opisyal ng Konseho ng Estado ng Tsina, na hindi naging madali ang pagtatamo ng bungang ito, dahil sa mga hamong kasalukuyang kinakaharap ng bansa.
Samantala, marami aniya ang dahilan ng pagtaas ng CPI sa 2020 na tulad ng matatag na paglaki ng pangangailangang panloob, pagtaas ng kosumpsyon ng mga mamamayan, espesyal na klima, at iba pa.
Salin:Sarah