Pangulong Xi Jinping ng Tsina, binati si Kim Jong Un; pagpapaunlad ng relasyong Sino-Hilagang Koreano, matatag

2021-01-12 14:29:39  CMG
Share with:

Muling nahalal bilang General Secretary ng Workers’Party of Korea (WPK) si Kim Jung Un. Kaugnay nito, ipinadala nitong Lunes, Enero 11, 2021 ni Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) at Pangulo ng bansa, ang mensahe kay Kim Jong Un bilang pagbati.
 
Sa mensahe, sinabi ni Xi na ang muling panunungkulan ni Kim Jong Un bilang pinakamataas na lider ng WPK ay lubos na nagpapakita ng tiwala, suporta, at pag-asa sa kanya ng mga miyembro ng WPK at mga mamamayang Hilagang Koreano.
 
Ani Xi, ang pagpapaunlad ng relasyong Sino-Hilagang Koreano ay matatag at di-nagbabagong patakaran ng partido at pamahalaan ng Tsina. Nakahanda aniya siyang palakasin kasama ni Kim Jong Un, ang estratehikong pamumuno sa dalawang partido at bansa para walang humpay na mapasulong ang mapagkaibigang kooperasyon ng dalawang bansa ayon sa kanilang narating na isang serye ng mahalagang komong palagay.

 

Salin: Lito

Pulido: Mac

Please select the login method