Nag-usap Enero 11, 2021,sa Naypyidaw, sina Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina, at Aung San Suu Kyi, State Counselor at Ministrong Panlabas ng Myanmar.
Sinabi ni Wang na nakahanda ang Tsina na patuloy na suportahan ang Myanmar sa paglaban sa pandemiya ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19), at ipagkakaloob nito ang mga tulong ng materyal at bakuna sa Myanmar.
Manunungkulan ang Myanmar bilang Bansang Tagapagkoordina ng Ugnayan ng Tsina at Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), at Tagapangulong Bansa ng Lancang-Mekong Cooperation. Nakahanda ang Tsina na pasulungin, kasama ng Myanmar, ang bagong ideya ng LMC sa ilalim ng kalagayan ng pagpigil at pagkontrol ng pandemiya, para magkakasamang pasulungin ang bagong pag-unlad ng relasyon ng Tsina at ASEAN sa panahon ng ika-30 Anibersaryo ng Pagkakatatag ng Relasyong Diyalogo ng dalawang panig.
Ipinahayag naman ni Aung San Suu Kyi na pinahahalagahan ng kanyang bansa ang pagkakatatag ng China-Myanmar Economic Corridor. Nakahanda ang Myanmar na agarang makipagkoordina sa Tsina, para magkasamang pasulungin ang mga kinauukulang proyekto, at patingkarin ang positibong papel para sa lalo pang pag-unlad ng relasyo ng Tsina at Myanmar.
Salin:Sarah