Ipinahayag Enero 11, 2021, ni Zhao Lijian, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na buong tatag na tinututulan at mahigpit na kinokondena ng Tsina ang pagkansela ng Amerika sa limitasyon ng pagpapalitan ng Amerika at Taiwan. Dapat aniya kilalanin ni Mike Pompeo ang historical trend o daloy ng kasaysayan at itigil ang pakikialam sa isyu ng Taiwan.
Binigyan-diin ni Zhao na ang prinsipyong Isang Tsina ay pundasyong pulitikal ng relasyong Sino-Amerikano, ito rin ang paunang kondisyon ng pagkakatatag at pagpapaunlad ng relasyong diplomatiko ng dalawang panig. Hinimok ng Tsina ang Amerika na sundin ang prinsipyo ng Isang Tsina at nakasaad sa Tatlong Magkasanib na Komunike ng Tsina at Amerika, agarang itigil ang anumang pananalita at aksyon na magtataas sa antas ng relasyon ng Amerika at Taiwan at magpapalakas ng paguugnayan ng dalawang panig.
Salin:Sarah