Pangulong Tsino, ipinaabot ang pagbati kay Sadyr Nurgozhoevich Japarov sa kanyang panunungkulan bilang pangulo ng Kyrgyzstan

2021-01-13 15:08:36  CMG
Share with:

Isang mensahe ang ipinadala nitong Martes, Enero 12, 2021 ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina kay Sadyr Nurgozhoevich Japarov bilang pagbati sa kanyang panunungkulan bilang pangulo ng Kyrgyzstan.
 

Tinukoy ni Xi na nitong 29 taong nakalipas, sapul nang maitatag ang relasyong diplomatiko ng Tsina at Kyrgyzstan, kapansin-pansing bunga ang natamo ng pag-unlad ng relasyon ng dalawang bansa.
 

Nakahanda si Pangulong Xi na magsikap kasama ni Japarov para mapalalim ang kooperasyong may mutuwal na kapakinabangan at makapaghatid ng benepisyo sa dalawang bansa at kanilang mga mamamayan.

 

Salin: Lito

Pulido: Rhio

Please select the login method