Pagdalaw sa Taiwan ng Embahador na Amerikano ng UN, kinansela

2021-01-13 16:06:11  CMG
Share with:

 

 

Ayon sa ulat ng Reuters, ipinatalastas Enero 12, 2021, ng Tagapagsalita ng Kagawaran ng Estado ng Amerika na kinansela ang lahat ng biyaheng panlabas ni Kelly Craft, Embahador ng Amerika sa United Nations (UN); kabilang na ang kanyang pagdalaw sa Taiwan.

 

Nakatakdang dumalaw si Craft sa Taiwan mula Enero 13 hanggang 15.

 

Kaugnay nito, ipinahayag Enero 12 ni Mike Pompeo, Kalihim ng Estado ng Amerika, na bilang bahagi ng transisyon sa pamahalaan ni Joe Biden, kanselado ang lahat ng pagdalaw sa labas na kinabibilangan ng kanyang sariling pagbisita sa Europa.

 

Salin:Sarah

Please select the login method