Kuala Lumpur, Malaysia, Enero 12, 2021 - Nilagdaan ng kompanyang Pharmaniaga ng Malaysia at Sinovac ng Tsina ang kasunduan ng kooperasyon sa bakuna laban sa Corona Virus Disease 2019 (COVID-19).
Ayon dito, ipadadala ang 14 na milyong dosis na semi-finished na bakuna sa Malaysia at dito magkasamang isasapinal ng nasabing dalawang kompanya ang mga bakuna.
Lumahok sa seremonya ng paglalagda sina Ismail Sabri Yaakob, Ministro ng Tanggulang Bansa; Adham Baba, Ministro ng Kalusugan; at Khairy Jamaluddin, Ministro ng Siyensiya, Teknolohiya at Inobasyon ng Malaysia.
Sa kasalukuyan, mabilis pa ring kumakalat ang COVID-19 sa Malaysia.
Ipinatalastas Enero 12, 2021, ni Punong Ministro Perdana Menteri ng Malaysia na isasagawa ang pangkagipitang hakbang sa buong bansa para harapin ang pandemiya.
Salin:Sarah