Mga dalubhasa ng WHO, dumating ng Wuhan

2021-01-15 16:44:28  CMG
Share with:

Dumating nitong Huwebes, Enero 14, 2021 ng Wuhan, Tsina ang grupo ng World Health Organization (WHO) na binubuo ng 13 siyentista, para isagawa, kasama ng mga siyentipikong Tsino, ang pananaliksik sa pinanggalingan ng coronavirus.

Mga dalubhasa ng WHO, dumating ng Wuhan_fororder_20210115WHO1

Ang impormasyong ito ay kinumpirma ni Tedros Adhanom Ghebreyesus, Direktor Heneral ng WHO.
 

Nasa Singapore pa ang dalawang miyembro ng nasabing grupo, dahil nagpositibo sila sa COVID-19 antibodies.
 

Ayon kay Ghebreyesus, pagkaraang dumating ng Wuhan, magkukuwarentenas nang dalawang linggo ang mga dalubhasa ng WHO. Pagkatapos nito, isasagawa nila ang dalawang linggong pananaliksik sa lokalidad.
 

Sa panahon ng kani-kanilang kuwarentenas, makikipagkooperasyon ang mga miyembro ng grupo sa mga siyentipikong Tsino, sa pamamagitan ng video conference.
 

Salin: Vera

Please select the login method