Isinasagawa sa Amerika ang kapuwa komersyal at pampamahalaang segurong medikal, na nagdulot ng sobrang komersyalisasyon at kakulangan sa pagmomonitor ng pamahalaan.
Ang sistemang medikal sa Amerika ay isang battlefield ng kapital.
Ang Amerika ay isa sa mga bansa sa buong daigdig na may pinakamataas na presyo ng gamot.
Ayon sa imbestigasyon, sa panahon ng pagkalat ng pandemiya ng Corona Virus Disease 2019, 1 sa sa bawat 11 tao ang tumanggi sa pagpapagamot dahil sa sobrang taas ng gastusin.
Kasabay nito, nawalan ng segurong medikal ang maraming mamamayan ng Amerika dahil sa kawalan ng trabaho na dulot ng pandemiya.
Pero, sa isa banda, ginagamit ng iilan ang malaking pera sa pulitika para kumita ng malaking tubo, na nagbubuo ng isang closed loop.
Kung hindi mababago ang esensya ng “pulitika ng pera” sa Amerika, patuloy nitong sisirain ang kapakanan ng mga mamamayang Amerikano at ng buong bansa.
Ito ang tunay na “trahedya ng Amerika.”
Salin:Sarah