Bakuna ng Sinovac ng Tsina, ginamit sa Brazil

2021-01-18 21:29:11  CMG
Share with:

 

 

Inaprobahan Enero 17, 2021, ng Health Regulatory Agency (Anvisa) ng Brazil ang pangkagipitang paggamit ng CoronaVac, bakuna laban sa Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) na iniprodyus ng Sinovac ng Tsina.

 

Binakunahan din nang araw ring iyon ng unang batch na mamamayan ng Brazil.

 

Maliban sa CoronaVac, natamo rin ng bakuna ng AstraZeneca-University of Oxford ang permisyon ng pangkagipitang paggamit ng Brazil.

 

Ayon kay Eduardo Pazuello, Ministro ng Kalusugan ng Brazil, ipapadala mula Enero 18 ng tropang panghimpapawid ng Brazil ang mga bakuna sa iba’t ibang lugar ng bansa.

 

Salin:Sarah

Please select the login method