Sa kanyang panayam Enero 17, 2021, sa Fuji Television Network, ipinahayag ni Katsunobu Kato, Chief Cabinet Secretary at Tagapagsalita ng Pamahalaang Hapones na, aktibong naghahanda ang iba’t ibang sirkulo ng Hapon para sa Tokyo Olympic Games.
Kasabay ng pagiging mas malubha kamakailan ng pandemiya ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) sa Hapon, lumitaw ang mga usap-usapang posibleng kanselahin ang Tokyo Olympic Games na idaraos sa Hulyo, 2021.
Hinggil dito, ipinangako ng International Olympic Committee (IOC), Tokyo Olympic Games Committee at ni Suga Yoshihide, Punong Ministro ng Hapon, na tuloy ang pagdaraos ng Tokyo Olympic Games ayon sa itinakdang iskedyul.
Salin:Sarah