Sa kanyang talumpati sa Ika-148 Sesyon ng Executive Board ng World Health Orgnization (WHO) na idinaos Enero 18, 2021, nanawagan si Tedros Adhanom Ghebreyesus, Direktor Heneral ng WHO, sa iba’t ibang bansa na dapat maging patas ang pagbabakuna kontra COVID-19.
Ipinahayag din niya na naging mas mahalaga ang pagbabakuna dahil sa paglabas ng bagong strain ng coronavirus. Ngunit aniya ang di-patas na pagbabakuna ay tunay na pinakamalaking panganib.
Mayroong sapat na bakuna sa hinaharap para sa lahat ng tao, pero sa kasalukuyan, dapat magkaisa ang komunidad ng daigdig, na bakunahan muna ang mga high-risk groups ng iba’t ibang bansa, diin ni Tedros.
Salin:Sarah