Sangsyon na Amerika sa mga opisyal na Tsino kaugnay ng isyu ng Hong Kong at Taiwan, tatapatan din ng Tsina ng katulad na sangsyon

2021-01-19 16:54:24  CMG
Share with:

 

 

Bilang tugon sa umano’y sangsyon na ipinataw ng Amerika sa 6 na opisyal ng Sentral na Pamahalaan ng Tsina at Pamahalaan ng Hong Kong Special Administrative Region, isinagawa ng Tsina ang ganting sangsyon sa mga opisyal ng Amerika na may kinalaman sa panghihimasok sa Hong Kong, na kinabibilangan ng mga opisyal ng ehekutibong sangay ng pamahalaan ng Amerika, mga kongresistang Amerikano, tauhan ng mga Non-Goverment Orgnizations (NGO) at mga kamaganakan nila. 

 

Ipinahayag ito Enero 18, 2021, ni Hua Chunying, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina.

 

Sinabi rin niyang isinagawa ng Tsina ang sangsyon sa mga opisyal na Amerikano na sangkot sa pag-aalis ng Amerika kamakailan ng limitasyon sa ugnayan ng Amerika at Taiwan.

 

Salin:Sarah

Please select the login method