GDP ng Tsina: umabot sa 101.6 trilyong yuan RMB

2021-01-20 20:06:41  CMG
Share with:

 

 

Umabot sa 101.6 trilyong yuan RMB ang Gross Domestic Product (GDP) ng Tsina noong 2020, na nangangahulugan ng pagpasok ng bolyum ng kabuhayan ng Tsina sa bagong antas ng 100 trilyong yuan. 54.3% ang proporsiyon ng final consumption expenditure sa GDP, na naging pinakamataas nitong ilang taong nakalipas.

 

Kaugnay nito, ipinahayag ng mga ekonomista na sa 2021, dapat patuloy na pasulungin ng Tsina ang konsumpsyon. Kung mabisang makokontrol ang pandemiya ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19), malakas na babangon ang kabuhayang Tsino sa 2021.

 

Salin:Sarah

Please select the login method