Isinapubliko nitong Martes, Enero 19, 2021 ng World Economic Forum (WEF) ang “Ulat ng Pandaigdigang Panganib sa 2021” na nagbabalang palalalain ng pandemiya ng COVID-19 ang agwat sa pagitan ng mga mahirap at mayaman at social differentiation. Sa loob ng darating na 3 hanggang 5 taon, posible anitong hadlangan ang pag-unlad ng kabuhayang pandaigdig, at pasisidhiin naman ang maigting na situwasyon ng geo-politics sa loob ng darating na 5 hanggang 10 taon.
Anang ulat, noong isang taon, nakita ng sangkatauhan ang grabeng epektong dala ng pagbalewala sa pangmalayuang panganib. Ang pandemiya ng COVID-19 ay hindi lamang kumitil ng buhay ang ilang milyong tao, kundi pinalala ang pagkakaiba sa pagitan ng iba’t-ibang bansa at rehiyon.
Sinabi ni Saadia Zahidi, Executive Director ng WEF, na kasunod ng unti-unting pagdaig ng mga pamahalaan, bahay-kalakal, at lipunan sa krisis ng pandemiya, dapat silang agarang kumilos para maitatag ang bagong sistemang pangkabuhayan at panlipunan para mapataas ang pleksibilidad nila at kakayahan sa pagharap sa mga biglaang insidente.
Salin: Lito
Pulido: Mac