Nitong Martes ng hapon, Enero 19, pumunta si Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa National Ski Jumping Center at National Biathlon Center na nasa distritong Chongli ng lunsod Zhangjiakou, probinsyang Hebei para kumustahin ang mga atleta, tagasanay, at mga kinatawan ng grupong panseguridad at tagapagtatag.
Nang mabanggit ang pag-unlad ng kompetitibong palakasan ng Tsina sa hinaharap, sinabi ni Xi na dapat palakasin at pasulungin ang inobasyon, at siyensiya’t teknolohiya para mapaunlad ang kompetitibong palakasan ng bansa.
Mahigit isang taon na lang ang natitirang panahon bago mag-umpisa ang Beijing Winter Olympics. Hanggang sa ngayon, maayos na tumatakbo ang iba’t-ibang gawain ng paghahanda.
Salin: Lito
Pulido: Mac