Ayon sa datos na ipinalabas Enero 20, 2021, ng Guangdong Sub-Administration of General Administration of Customs ng Tsina, lumaki ng 0.2% ang halaga ng pagluluwas ng lalawigang Guangdong noong taong 2020, na lumikha ng bagong rekord ng kasaysayan.
Hinggil dito, ang Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) ang naging pinakamalaking trade partner ng Guangdong.
Noong 2020, umabot sa mahigit 1 trilyong yuan RMB ang halaga ng pagluluwas at paga-angkat ng Guangdong at ASEAN.
Kabilang dito, umabot sa 1.76 trilyong yuan RMB ang halaga ng pagluluwas at paga-angkat ng Guangdong sa mga bansa at rehiyon ng Belt and Road Initiative (BRI).
Ang halagang ito ay lumaki ng 2.3% kumpara sa gayunding panahon ng tinalikdang taon.
Salin:Sarah