Ipinahayag sa preskon kahapon Enero 21, 2021, ni Hua Chunying, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina na, simula nang manungkulan bilang Pangkalahatang Kalihim ng United Nations (UN), mabuting pinamumunuan ni António Guterres ang UN na gumaganap ng positibong papel sa pangangalaga sa kapayapaan at kaligtasan ng daigdig, pagpapasulong ng sustenableng pag-unlad, pagpapalakas ng kooperasyong pandaigdig sa paglaban sa pandemiya ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) at iba pang mga larangan.
Lubos itong pinahahalagahan ng Tsina at ipinalalagay ng Tsina na karapat dapat si Guterres na magpatuloy bilang Pangkalahatang Kalihim ng UN, ani Hua.
Aniya pa, nakahanda ang Tsina na patuloy na suportahan si Guterres, kasama ng komunidad ng daigdig, para magkakasamang pasulungin ang kapayapaan at kaunlaran ng daigdig, at pagtatatag ng pinagbabahaginang kapalaran ng buong sangkatauhan.
Salin:Sarah