1,949, bagong kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas

2021-01-25 16:19:42  CMG
Share with:

 

 

Ayon sa datos na ipinalabas Enero 24, 2021, ng Department of Health (DOH), 1,949 ang bagong naidagdag na kumpirmadong kaso ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) sa Pilipinas.

 

Dahil dito, umakyat sa 513,619 ang kabuuang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19, samantalang 10,242 ang pumanaw.

 

Sinabi ni Undersecretary Maria Rosario Vergeire ng DOH, isasagawa ang mga karagdagang hakbangin para maigarantiya ang mas tumpak na pagsusuri sa coronavirus.

 

Isinasagawa ng Pilipinas ang entry ban hanggang sa Enero 31 sa mga manlalakbay mula sa 35 bansa at rehiyon kung saan, matatagpuan ang bagong strain ng corona virus.

 

Salin:Sarah

Please select the login method