Executive Chairman ng WEF: dapat itatag muli ang pagtitiwala ng buong daigdig at palakasin ang kooperasyon

2021-01-25 16:20:17  CMG
Share with:

 

 

Sa pamamagitan ng video link at sa ilalim ng temang “A crucial year to rebuild trust,” idaraos ng World Ecnomic Forum (WEF) mula Enero 25, 2021 hanggang Enero 29 ang Davos Agenda 2021.

 

Sa welcome ceremony na idinaos Enero 24, nanawagan si Klaus Martin Schwab, Tagapagtatag at Executive Chairman ng WEF, na dapat muling itatag ng iba’t ibang panig ang patitiwala sa isa’t isa, at palakasin ang kooperasyong pandaigdig.

 

Sa kanya namang hiwalay na talumpati, ipinahayag ni Pangulong Guy Parmelin ng Switzerland na kailangang tingan ang mga isyu sa mas malayong anggulo, at isaalang-alang ang mga mahalagang hamon na walang direktang relasyon sa pandemiya ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19), pero kakaharapin ng buong sangkatauhan.

 

Salin:Sarah

 

Please select the login method