Sa pamamagitan ng video link, dumalo at bumigkas ng talumpati si Pangulong Xi Jinpin ng Tsina sa Dialogue Meeting ng Davos Agenda ng World Economic Forum (WEF).
Binigyan-diin ni Xi na gumagawa ng mga hakbang ang Tsina na kapaki-pakinabang sa buong sangkatauhan.
Isasagawa aniya ng Tsina ang multilateralismo sa pamamagitan ng aktuwal na aksyon, at ibibigay ang ambag para mapangalagaan ang mundo at isakatuparan ang sustenableng pag-unlad ng buong sangkatauhan.
Salin:Sarah