Kooperasyon, mahalagang punto sa relasyong Sino-Amerikano - Tsina

2021-01-26 16:20:08  CMG
Share with:

 

 

Ayon sa survey ng 1000 kumpanyang kabilang sa American Chamber in China, walang anumang planong umalis mula sa Tsina ang halos 70% sa mga respondents. Ipinahayag ito kamakailan ni Gregory Gilligan, Tagapangulo ng AmCham China.

 

Kaugnay nito, ipinahayag Enero 25, 2021, ni Zhao Lijian, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na noong nakaraan man o sa hinaharap, ang kooperasyon ay mahalagang punto sa relasyong Sino-Amerikano.

 

Aniya, madalas na ipinalalabas kamakailan ng mga personahe ng sirkulo ng industriya at komersyo ng Amerika ang positibong opinyon sa kinabukasan ng kabuhayang Tsino. Tinututulan nila ang decoupling ng kabuhayan ng dalawang bansa.

 

Muling ipinapakita ng pananalita ni Gilligan na ang esensya ng relasyong pangkabuhayan at pangkalakalan ng Tsina at Amerika ay mutuwal na kapakinabangan, pagpapahalaga sa malawak na komong kapakanan at malaking espasyo ng kooperasyon ng dalawang panig, sinabi ni Zhao.

 

Salin:Sarah

Please select the login method