WHO, tinatayang aabot sa 100 milyon ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa linggong ito

2021-01-26 16:18:57  CMG
Share with:

 

 

Ayon sa pinakahuling datos ng World Health Organization (WHO), hanggang 17:30, Enero 25, 2021 (Central European Time, CET), umabot sa 98,794,942 ang kabuuang bilang ng naitalang kumpirmadong kaso ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) sa buong daigdig.

 

Samantalang 2,124,193 ang bilang ng pumanaw.

 

Ipinahayag ni Tedros Adhanom Ghebreyesus, Direktor Heneral ng WHO, na tinatayang aabot sa 100 milyon ang kabuuang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa loob ng linggong ito.

 

Salin:Sarah

Please select the login method