Ipinahayag Enero 25, 2021, sa preskon, ni Zhao Lijian, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina na, hinimok ng Tsina ang Amerika na maayos na hawakan ang mga isyung kaugnay ng Taiwan, at huwag ipadala ang anumang maling signal sa puwersang nagsusulong ng pagsasarili ng Taiwan.
Ayon sa ulat, nitong Enero 23, hiniling ng Kagawaran ng Estado ng Amerika sa Tsina na itigil ang pagpapataw ng presyur sa Taiwan at isagawa ang makabuluhang diyalogo sa Taiwan.
Hinggil dito, ipinahayag ni Zhao na walang pagbabago at maliwanag ang paninindigan ng Tsina sa isyu ng Taiwan. Iisa lang ang Tsina sa buong daigdig, at ang Taiwan ay di-mahihiwalay na bahagi ng teritoryo ng Tsina. Matatag ang kapasiyahan ng Tsina sa pangangalaga ng soberanya ng bansa, kabuuan ng teritoryo, at pagtutol sa mga puwersa sa loob at labas ng bansa na nagsusulong ng pagsasarili ng Taiwan.
Salin:Sarah