Sa pag-uusap sa telepono nitong Martes ng gabi, Enero 26, 2021 nina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangulong Alexander Grigoryevich Lukashenko ng Belarus, tinukoy ni Xi, na sapul nang maitatag ang relasyong diplomatiko ng Tsina at Belarus, walang humpay na umuunlad ang relasyon ng dalawang bansa.
Diin niya, sinusuportahan ng panig Tsino ang pagtahak ng Belarus sa landas ng pag-unlad na angkop sa kalagayang pang-estado nito.
Nakahanda rin aniya ang panig Tsino na magkaloob ng tulong hangga’t makakaya, sa Belarus para sa pag-unlad ng kabuhayan at lupunan ng bansa.
Pinasalamatan naman ni Lukashenko ang ibinibigay na suporta ng panig Tsino sa pakikibaka ng Belarus laban sa pandemiya ng COVID-19 at pag-unlad ng kabuhayan at lipunan.
Aniya, matatag na pinapanigan ng Belarus ang Tsina sa mga isyung may kaugnayan sa nukleong kapakanan ng Tsina na gaya ng isyu ng Hong Kong, Taiwan, at Xinjiang.
Salin: Lito
Pulido: Rhio