Hanggang noong Enero 26, 2021, mahigit 1.41 milyong populasyon sa Turkey ang na-iniksiyunan na ng bakunang laban sa Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) na iniprodyus ng Tsina.
Ang mga tauhang medikal ay priyoridad ng pagbabakuna.
Kaugnay nito, ipinahayag ng ilang tauhang medikal na ang bakunang galing sa Tsina ay muling nagpapasigla ng kanilang kompiyansa sa pagtatagumpay ng laban sa COVID-19.
Inaprobahan Enero 13, 2021, ng Turkey ang pangkagipitang paggamit ng bakunang gawa ng Sinovac ng Tsina.
Salin:Sarah