Dalubhasa ng WHO: pagsisikap ng Tsina sa bakunang laban sa COVID-19, pinahahalagahan

2021-01-27 16:35:46  CMG
Share with:

Ipinahayag Enero 26, 2021, ng World Health Organization (WHO) na iniharap na ng Sinopharm at Sinovac ng Tsina ang mga datos ng dalawang bakunang laban sa Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) na kanilang iniprodyus, para sa pagsusuri sa pangkagipitang paggamit ng WHO.

 

Ito, anang WHO ay kapuri-puri.

 

Kaugnay nito, ipinahayag ni Katherine O’Brien, dalubhasa ng WHO na inaasahan ng kanyang organisasyon na maaprobahan ang mga datos ng Sinopharm at Sinovac.

 

Ayon sa pinakahuling ulat ng WHO, mas maagang isasapubliko sa Marso ang bunga ng pagsusuri sa datos ng naturang dalawang bakuna.

 

Bukod dito, pinapurihan din ni Seth Berkley, CEO ng Global Alliance for Vaccines and Immunisation (GAVI), ang pagsisikap ng Tsina sa larangan ng bakunang laban sa COVID-19.

 

Salin:Sarah

Please select the login method