Tsina, matatag ang determinasyon sa aktibong pagharap sa pagbabago ng klima

2021-01-28 17:06:17  CMG
Share with:

 

Ipinalabas noong 2020 ng Tsina ang serye ng mahahalagang patakaran bilang tugon sa pagbabago ng klima, pero, sa kabila nito, lumitaw ang usap-usapan sa loob ng Amerika na wala raw sapat na lakas ang mga hakabanging ito. .

 

Kaugnay nito, ipinahayag Enero 27, 2021, ni Zhao Lijian, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ang naturang mga patakaran ay lubos na nagpapakita sa matatag na determinasyon ng Tsina sa aktibong pagharap sa pagbabago ng klima at pagpapasulong ng pagtatatag ng pinagbabahaiginang kapalaran ng buong sangkatauhan.

 

Ito’y bagong ambag na ibinigay ng Tsina para harapin ang usapin ng pagbabago ng klima ng buong mundo, saad niya.

 

Sinabi ni Zhao na pinakamalaki sa daigdig ang emisyon ng karbon ng Amerika, sa kasaysayan man o sa kasalukuyan.

 

Bukod pa riyan, umalis din aniya ang dating pamahalaang Amerikano mula sa Paris Agreement at hindi isinabalikat ang obligasyon sa pagbabawas ng emisyon ng karbon, na grabeng nakapinsala sa pagsisikap ng komunidad ng daigdig sa pagharap ng pagbabago ng klima.

 

Binigyan-diin ni Zhao na kinakailangan ang magkakasamang pagsisikap ng iba't ibang bansa para isakatuparan ang target ng Paris Agreement.

 

Lagi aniyang bukas ang pinto ng Tsina para sa kooperasyon.

 

Salin:Sarah

Please select the login method