Sa pamamagitan ng video link, nakipagtagpo Enero 27, 2021, si Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina kina Joanna Wronecka, Pirmihang Kinatawan ng Poland sa United Nations (UN) at Ahmed Al Thani, Pirmihang Kinatawan ng Qatar sa UN, na Co-Chair ng Intergovernmental Negotiations on United Nations Security Council (UNSC) Reform sa Ika-75 Sesyon ng Pangkalahatang Asembleya ng UN.
Ipinahayag ni Wang na ang reporma ng UNSC ay may kinalaman sa pag-unlad ng UN sa hinaharap at aktuwal na kapakanan ng mga miyembro nito.
Kaya, ang reporma ay dapat lubos na magpakita ng katarungan, pagsunod sa batas, at pananatili ng katatagan at kaayusan, saad ni Wang.
Pinapurihan naman nina Wronecka at Al Thani ang pagsisikap ng Tsina para mapangalagaan ang multilateralismo at palakasin ang papel ng UN.
Ipinhayag nilang patuloy nilang pakikinggan ang kuru-kuro ng mga miyembro ng UN, at pananatilihin ang mahigpit na pakikipagkoordinasyon sa mga miyembro na kinabibilangan ng Tsina, para pasulungin ang proseso ng UNSC sa paraang pinaka-angkop sa benepisyo ng mga miyembro.
Salin:Sarah