Ipinahayag Enero 27, 2021 ni Zhao Lijian, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ang umano’y “genocide” sa Xinjiang ay kasinungalingan na ikinakalat ng ilang puwersang kontra sa Tsina.
Sa pagdinig Enero 26, 2021 sa Liberal Democratic Party, ipinahayag ng Ministrong Panlabas ng Hapon na, hindi naniniwala ang Hapon sa pagsasagawa ng Tsina ng “genocide” sa Xinjiang.
Kaugnay nito, tinukoy ni Zhao na maliwanag na nakikita ng karamihang bansa sa buong daigdig ang isyu ng Xinjiang sa makatarungang anggulo, at obdiyektibo nilang pinahahalagahan ang mga patakaran na isinasagawa ng Tsina para sa katatagan, kaayusan at kasaganaan ng Xinjiang.
Salin:Sarah