Ipinahayag Enero 28, 2021, Gao Feng, Tagapagsalita ng Ministri ng Komersyo ng Tsina, na tinututulan ng Tsina ang anumang hakbangin na may diskriminatoryong limitasyon sa mga kompanyang Tsino.
Ipinahayag niya ito bilang tugon sa permanent ban ng India sa applications ng Tsina.
Ayon sa pinakahuling pahayag ng Ministri ng Electronics and Information Technology ng India, ipapatupad sa Hunyo 2021, ng India ang permanent ban sa 59 apps ng Tsina, na kinabibilangan ng TikTok, Baidu, WeChat, UC Browser at iba pa.
Ipinahayag ni Gao na hiniling na ng Tsina sa India na ipaliwanag ang desisyong ito.
Napakahirap marating ang kasalukuyang mabuting kalagayan ng kooperasyon ng Tsina at India, at angkop ito sa kapakanan ng mga mamamayan ng dalawang bansa. Umaasa ang Tsina na tatahak ang India kasama ng Tsina tungo sa magkaparehong direksyon, para manumbalik ang bilateral na kooperasyong pangkabuhayan at pangkalakalan ng Tsina at India sa lalong madaling panahon.
Salin:Sarah