Sa pamamagitan ng video link, dumalo at nagtalumpati Enero 28,2021, si Le Yucheng, Pangalawang Ministrong Panlabas ng Tsina, sa Vision China event na nagpokus sa relasyong Sino-Amerikano sa bagong panahon.
Ginamit ni Le ang apat na Rs na kumakatawan sa Respect, Reversal, Renewal, Resonsibility, para ipaliwanag ang kanyang pag-asa sa pag-unlad ng relasyong Sino-Amerikano.
Tinukoy ni Le na ang Tsina at Amerika ay mayroong pagkakaiba, pero umiiral pa rin sa dalawang bansa ang malawak na komong kapakanan at pangangailangan ng kooperasyon.
Aniya pa, ang pagpigil at pagkontrol ng pandemiya ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19), pagbangon ng kabuhayan, at pagharap sa pagbabago ng klima, ay maaaring maging pokus ng kooperasyon ng dalawang panig sa susunod na yugto.
Sinabi rin ni Le na ang katotohanan ay lubos na nagpakita na, ang kooperasyong Sino-Amerikano ay makakabuti sa kapuwang dalawang bansa at buong daigdig. Kung magkokooperasyon ang Tsina at Amerika, lahat ay posible, dagdag niya.
Salin:Sarah