Muling umalma Enero 28, 2021, si Zhao Lijian, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, dahil sa kasinungalingan kaugnay ng Xinjiang na ipinahayag ng ilang opisyal na Amerikano.
Binigyan-diin ni Zhao na hindi nagaganap ang genocide sa Xinjiang, at umaasa ang Tsina na tumpak na titingnan ng pamahalaan ni Joe Biden ang katotohanan na matatag na umuunlad ngayon ang Xinjiang.
Tinukoy din ni Zhao na sa kasalukuyan, ang Xinjiang ay nasa pinakamabuting panahon nito sa kasaysayan. Mabunga aniya ang pag-unlad ng kabuhayan at lipunan, mabuti ang pamumuhay ng mga mamamayan sa Xinjiang.
Salin:Sarah