92, positibong kaso ng COVID-19 sa Chinese mainland nitong Enero 30: 73, domestikong kaso

2021-01-31 17:54:09  CMG
Share with:

Ayon sa pinakahuling datos mula sa Pambansang Komisyon ng Kalusugan ng Tsina, 92 ang bagong naitalang kumpirmadong kaso ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa Chinese mainland nitong Sabado, Enero 30, 2021.

 

Kabilang dito, 73 ang domestikong kaso, samantalang 16 naman ang galing sa labas ng bansa.

 

Sa mga domestikong kaso, 63 ang mula sa Jilin at 9 sa Heilongjiang, na kapuwa lalawigan sa hilagang silangang Tsina.

 

Samantala, 1 ang naiulat sa lalawigang Hebei sa gawing hilaga ng bansa.

 

Kasabay nito, sumasailalim ngayon sa obserbasyong medikal ang 910 kasong asimptomatiko, na kinabibilangan ng 296 na galing sa labas ng Tsina.

 

Salin: Liu Kai

Please select the login method