Liaison Office of the Central People’s Government in the Hong Kong SAR, mahigpit na kinondena ang pagtanggap ng Britanya ng mga citizenship application ng mga taga-HongKong na mayroong BNO

2021-02-01 15:46:27  CMG
Share with:

 

 

 

Ipinahayag Enero 31, 2021, ng Tagapagsalita ng Liaison Office of the Central People’s Government in the Hong Kong SAR,  na mahigpit nitong kinokondena at tinututulan ang pagtanggap ng Britanya ng mga citizenship application ng mga taga-HongKong na mayroong British National Overseas (BNO) passport.

 

Tinukoy ng tagapagsalita na ang aksyong ito ay nakapinsala sa soberanya ng Tsina, naki-alam sa mga suliranin ng Hong Kong at mga suliraning panloob ng Tsina, at malubhang lumabag sa pandaigdigang batas at prinsipyo ng relasyong pandaigdig.

 

Kaugnay nito, agarang ipinahayag ng sentral na pamahalaan ng Tsina at pamahalaan ng HKSAR ang solemnang paninindigan at isinagawa ang malakas na countermeasure, na lubos namang sinusuportahan ng Liasion Office, dagdag ng tagapagsalita.

 

Binigyan-diin pa ng tagapagsalita na ang Hong Kong ay Hong Kong ng Tsina, at ang paninindigang ito ay lehitimo, at makatarungan.

 

Bukod pa rito, ang Hong Kong Security Law ay kailangan upang mapanatili ang kaayusan at kasaganaan sa Hong Kong, Dagdag pa niya.

 

Matatag aniyang napapangalagaan ng pamahalaan ng Tsina ang soberanya, kaligtasan at kapakanan ng bansa; matatag na isinasakatuparan ang patakarang “Isang Bansa, Dalawang Sistema;” at matatag na tinututulan ang anumang puwersang dayuhang makikialam sa mga suliranin ng Hong Kong.

 

Salin:Sarah

 

Please select the login method