Bakuna ng Tsina, dumating ng Chile

2021-02-01 15:48:06  CMG
Share with:

 

 

Dumating Enero 31, 2021, ng pandaigdigang paliparan ng Santiago, kabisera ng Chile, ang ikalawang batch ng bakuna laban sa Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) na gawa ng Sinovac ng Tsina.

 

Sa news briefing na idinaos sa paliparan, sinabi ni Paula Daza, Pangalawang Ministro ng Kalusugan ng Chile, na halos 4 na milyong dosis ng bakuna ang dumating ng Chile sa magkahiwalay na araw - Enero 28 at Enero 31.

 

Sinabi pa niyang ibinabahagi ngayon ang mga bakuna sa iba’t ibang lugar ng bansa.

 

Ayon sa ulat, nakatakdang bakunahan ng Chile ang 5 milyong populasyon sa unang kuwarter ng 2021, samantalang 15 milyon naman ang babakunahan sa unang hati ng taong ito.

 

Salin:Sarah

Please select the login method