Hong Kong and Macao Affairs Office ng Tsina: Britanya, lumabag sa Magkasanib na Pahayag ng Tsina at Britanya

2021-02-01 15:47:02  CMG
Share with:

 

 

Sa pahayag na ipinalabas Enero 31, 2021, mahigpit na kinondena ng Hong Kong and Macao Affairs Office of the State Council ng Tsina ang Britanya sa paglabag nito sa pangako at pagtanggap sa citizenship application ng mga taga-HongKong na mayroong British National Overseas (BNO) passport.

 

Sinabi sa pahayag na layon ng aksyon ng Britanya na gawing “second-class citizens” ang mga taga-HongKong.

 

Anito pa, ito ay pakikialam sa soberanya ng Tsina, at buong lakas itong tinututulan ng bansa.

 

Ang aksyon ng Britanya ay malubhang lumabag sa Magkasanib na Pahayag ng Tsina at Britanya, at dahil dito, may karapatan ang Tsinang magsagawa ng countermeasures, sinabi pa sa pahayag.

 

Salin:Sarah

Please select the login method