Ipinahayag Pebrero 1, 2021, ni Wang Wenbin, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na nitong madaling araw ng Pebrero 1, dumating sa Islamabad, kabisera ng Pakistan ang isang batch ng bakuna kontra sa Corona Virus Disease 2019 (COVID-19), na ibinigay ng pamahalaang Tsino sa Pakistan.
Sinabi ni Wang na ang donasyon ay pagpapatunay sa pagsasakatuparan ng mahalagang pahayag ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina na gawing pampublikong produkto ng buong daigdig ang bakuna.
Aniya pa, ito ang kauna-unahang batch ng tulong na bakuna na ipinagkaloob ng Tsina sa ibang bansa. Bukod sa Pakistan, sabay-sabay na ipagkakaloob ng Tsina ang bakuna sa 13 umuunlad na bansang kinabibilangan ng Pilipinas. Kasunod nito, ipagkakaloob din ng Tsina ang bakuna sa 38 iba pang umunlad na bansa.
Salin:Sarah