Bagong kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa daigdig, bumaba nitong nakalipas na 3 linggo

2021-02-02 14:59:27  CMG
Share with:

Sa regular na news briefing nitong Lunes, Pebrero 1, 2021, sinabi ni Tedros Adhanom Ghebreyesus, Direktor Heneral ng World Health Organization (WHO), na bumaba ang bagong karagdagang kumpirmadong kaso ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa buong mundo, nitong nakalipas na tatlong linggo.
 

Saad niya, ito ay kasigla-siglang impormasyon para sa buong mundo, at nagpapakita itong kahit kumakalat ang mutasyon ng coronavirus, maaaring makontrol ang virus.
 

Pero nagbabala rin siyang hindi dapat agad na paluwagin ang mga protokol sa pagpigil sa pandemiya.
 

Salin: Vera

Please select the login method