Sa pamamagitang ng video link, nag-usap nitong Pebrero 3, 2021, sina Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina at kanyang counterpart na si Saleumxay Kommasith ng Laos.
Sinabi ni Wang na ang Tsina at Laos ay magkapatid sa ideolohiyang sosyalismo. Ang taong 2021 ay mayroong espesyal na katuturan para sa kapuwang Tsina at Laos. Dahil ipagdiriwang ng Tsina ang Ika-100 Anibersaryo ng Pagtatatag ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), samantala ipagdiriwang ng Laos ang Ika-35 Anibersaryo ng Reporma at Pagbubukas sa labas.
Bukod dito, ang taong 2021 ay Ika-60 Anibersaryo ng Pagkakatatag ng Relasyong Diplomatiko ng Tsina at Laos at Taon ng Pagkakaibigan ng Tsina at Laos.
Ipinahayag ni Wang na isinusulong ng Tsina ang bagong estruktura ng pag-unlad, at ipagkakaloob ang mas maraming pagkakataon para sa Laos. Nakahanda patuloy na palakasin ng Tsina ang pakikipagkooperasyon sa Laos sa paglaban sa Corona Virus Disease 2019 (COVID-19), at ipagkaloob ang suporta sa Laos na kinabibilangan ng bakuna.
Taos pusong pinasamalatan ni Saleumxay Kommasith ang suporta at tulong na ipinagkaloob ng Tsina sa Laos. Sinabi niya na nakahanda ang Laos na gawing priyoridad ang pagpapaunlad ng relasyon sa Tsina.
Ipinatalastas ng dalawang panig na nagsimula na ang aktibidad ng pagdiriwang sa Taon ng Pagkakaibigan ng Tsina at Laos. Buong pagkakaisang sinang-ayunan ng dalawang bansa na sa okasyon ng Ika-30 Anibersaryo ng Pagtatag ng Relasyon ng Diyalogo ng Tsina at Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), magkakasamang pasusulungin ang bagong pag-unlad ng kooperasyon ng Tsina at ASEAN.
Salin:Sarah